Legal na pagsusuri sa kontrata ng SIPCOR at PROSIELCO, ipinag-utos na ni PBBM

Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng full legal review at audit sa kasunduan sa pagitan ng Siquijor Island Power Corporation (SIPCOR) at Province of Siquijor Electric Cooperative (PROSIELCO).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ito’y para matukoy nila naging pagkukulang sa nangyayaring krisis sa supply ng kuryente sa Siquijor.

Nais din malaman ng Pangulo kung sino ang dapat panagutin sa power crisis sa lugar, at para hindi na rin ito maulit pa.

Bukod sa agarang aksyon, inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Energy (DOE) at National Electrification Administration (NEA) na bumalangkas ng pangmatagalang energy plan para sa Siquijor, na dapat ay matatag, maaasahan, at sapat ang serbisyo.

Nabatid na ang SIPCOR ay pag-aari din ng Villar Group of Companies.

Dahil dito, umaasa ang Palasyo na ituturing din na kaibigan ng pamilya Villar ang mga residenteng apektado ng krisis sa lugar at agad nilang aaksyunan ang problema.

Facebook Comments