LGU UMINGAN, KINONDENA ANG NAGANAP NA PAGNANAKAW SA ISANG GADGET SHOP

‎Mariing kinondena ng Lokal na Pamahalaan ng Umingan ang naganap na pagnanakaw sa LGT Gadgets sa Poblacion East, Umingan, Pangasinan.
‎‎Ayon sa LGU Umingan, agad na kumikilos ang kapulisan upang magsagawa ng masusing imbestigasyon at matukoy ang mga nasa likod ng insidente.

‎Layunin din ng imbestigasyon na matukoy at mapanagot sa ilalim ng batas ang mga indibidwal na mapatutunayang sangkot sa naturang pagnanakaw.

‎Hinikayat naman ng lokal na pamahalaan ang sinumang may nalalaman o maaaring makatulong sa imbestigasyon na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments