Kabilang sa mga isinailalim sa operasyon ang mga residente ng Sitio Olanen, Barangay Dacap Sur, kung saan isinagawa ang malawakang paglikas para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Sa isinagawang operasyon, ligtas na nailikas ang mga residente kabilang ang mga senior citizen, kababaihan, mga magulang at mga bata.
Kasama rin sa iniligtas ang ilan nilang mahahalagang kagamitan, na isinakay sa mga sasakyan ng kapulisan.
Ayon sa mga awtoridad, mahalaga ang mabilis na koordinasyon at pagtutulungan ng bawat ahensya upang matiyak na walang residenteng maiiwan sa oras ng sakuna.
Patuloy namang hinihikayat ang mga residente ng Bani na manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng mga awtoridad, at agad na sumunod sa mga panawagan para sa paglikas sakaling lumala ang kondisyon ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










