MGA BAGONG SILID-ARALAN SA BACNAR ELEMENTARY SCHOOL SA SAN CARLOS CITY, PINASINAYAAN

Naging mas makabuluhan ang pagdaraos ng Brigada Eskwela sa Bacnar Elementary School sa San Caros City matapos itong samahan ng pagpapasinaya sa apat na bagong silid-aralan na magagamit ng mga mag-aaral sa darating na pasukan.

Kasabay ng paghahanda ng paaralan para sa bagong taon ng pag-aaral, tulong-tulong ang mga guro, magulang, lokal na opisyal, at iba pang sektor ng komunidad sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan.

Ang bagong gusali na may apat na silid-aralan ay proyekto ng lokal na pamahalaan na inaasahang makatutulong ito upang mabigyan ang mga mag-aaral ng mas ligtas, maayos, at komportableng lugar para sa kanilang pag-aaral.

Nakiisa rin sa programa ang pamunuan ng Bacnar Elementary School, mga guro, mga magulang, opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA), at iba pang katuwang ng paaralan na patuloy na sumusuporta sa mga programa para sa kapakanan ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments