Wednesday, May 6, 2026

ROAD CLOSURE AT TRAFFIC CONTROL, IPATUTUPAD SA PANGASINAN PARA SA TOUR OF LUZON 2026

Nagpatupad ng heightened alert ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 kaugnay ng pagdaraos ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) Tour of Luzon 2026 na daraan sa mga pangunahing kalsada ng Pangasinan mula Mayo 11 hanggang 13.

Sa advisory, sinabi ng DPWH na sa Mayo 11, mananatiling bukas ngunit may intermittent traffic control sa ilang bahagi ng Pangasinan-La Union Interprovincial Road, Sta. Barbara–Mangaldan Road, at Pangasinan-Tarlac Road.

Sa Mayo 12 naman, ipatutupad ang full road closure sa buong kahabaan ng Lingayen Gulf Baywalk, habang pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa national road bilang alternatibong ruta.

Sa Mayo 13, magpapatuloy ang traffic control sa Pangasinan-Zambales Road at Pangasinan-Tarlac Road dahil sa galaw ng karera.

Samantala, sa Mangatarem, inaasahang darating ang mga siklista sa Stage 12 mula Agoo hanggang Mangatarem sa pagitan ng alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Mayo 11, kung saan matatagpuan ang finish line sa Daang Kalikasan View Deck.

Pansamantalang pahihintulutan ang pagdaan ng mga sasakyan bago dumating ang mga kalahok, ngunit muling isasara habang isinasagawa ang karera at bubuksan lamang matapos makalampas ang lahat ng teams upang maiwasan ang aksidente at pagsikip ng trapiko.

Pinapayuhan ang publiko na sumunod sa traffic advisories, manatili sa itinalagang viewing areas, at makiisa sa mga ipinatutupad na hakbang para sa kaligtasan ng lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments