
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer sa darating na June 25, 2025 (Miyerkules), magsasagawa ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) at Maritime Industry Authority (MARINA) sa MRT-3 at LRT-2.
Sa LRT-2, libre ang sakay ng mga seafarer mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.
Mula alas-5:30 ng umaga hanggang sa pagtatapos ng operasyon ay libre ang sakay ng mga Marino sa MRT-3.
Kinakailangan lamang ipakita ng mga marino ang kanilang valid Seafarer’s Record Book, Seafarer’s Identity Document, o Seafarer’s Identification Booklet.
Ang naturang hakbang ng DOTr at MARINA ay bilang pagkilala sa mahahalagang papel ng mga Pinoy
bilang parte ng aktibidad
Iniimbitahan naman ng MARINA ang publiko na makiisa sa gagawing espesyal na seremonya sa Independence Flagpole, Luneta, Maynila bilab parte ng aktobodad sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarers.