P200 million contract sa PCSO ni PCO Sec. Jay Ruiz, posibleng ungkatin sa Commission on Appointments

Posibleng usisain ng Commission on Appointments (CA) ang ₱200 million contract sa PCSO na nakuha ng kumpanya ni bagong talagang Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz.

Batay sa isang ulat ay nakapagsara ng daang milyong kontrata sa PCSO si Ruiz para sa kanyang co-founded na pribadong kumpanya noong last quarter ng 2024.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, maaaring busisiin ng sinumang miyembro ng CA ang kontrata kung may haharap na complainant o magrereklamo laban kay Ruiz.


Para sana wala aniyang problema at walang “conflict of interest” ay dapat bago pa lang ma-appoint si Ruiz ay nag-divest na ito ng kanyang mga negosyo at sumailalim sa mabusising vetting process.

Sa briefing sa Palasyo ay sinabi ni Malacañang Press Officer Claire Castro na nasa proseso na ng pag-divest o pagbibitaw ng shares si Ruiz sa kumpanya na siya ang nagmamay-ari.

Facebook Comments