Liderato ng Kamara, hinikayat ang mga Pilipino na pairalin ang kabayanihan para sa bansa at kapwa

Nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa bawat Pilipino na gisingin ang diwa ng kabayanihan sa bawat isa upang tulungan ang bansa na lampasan ang mga hamong kinakaharap at para i-angat ang buhay ng ating mga pamilya.

Para kay Romaldez, hindi pa tapos ang laban ni Gat Andres Bonifacio at iba pa nating bayani dahil may naghihirap pa rin sa lupang tinubuan.

Kaya naman panawagan ni Romualdez, pukawin natin ang katangian ng mga bayani na taglay natin upang wakasan ang kagutuman para maranasan ang ginhawa sa buhay at matiyak ang magandang kinabukasan.


Mensahe ito ni Romualdez sa kanyang pangunguna sa programa para sa selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng ating kalayaan na ginanap ngayong umaga sa monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City.

Facebook Comments