Lima sa anim na mangingisdang nawawala matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Patikul, nasagip na

92

Na-rescue na ng Joint Task Force Sulu ang lima sa anim na mangingisdang nawala matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Patikul noong Biyernes, October 16.

Ayon kay JTF Sulu spokesperson Lt. Col. Ronaldo Mateo, alas 7:40 kaninang umaga nang masagip ang limang indibidwal matapos ang 17 oras na search at rescue operation sa Sulu Sea.

Kinilala ang mga nasagip na sina Kaisar Pulalon, Rene Pulalon, Alvin Pulalon, Judimar Pulalon at Alnaser Hadjirul na taga-Barangay Tanjung, Indanan, Sulu.

Patuloy namang hinahanap ng task force ang isa pa nilang kasamahan na kinilalang si Arman Pulalon.

Facebook Comments