Listahan ng mga aplikante para sa sususunod na Associate Justice, inilabas na

Inanunsyo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang listahan ng mga aplikante para sa posisyon ng Associate Justice ng Korte Suprema na papalit kay Associate Justice Mario Lopez, na magreretiro sa June 4, 2025.

Dahil dito, magkakaroon ng pampublikong panayam para sa mga sumusunod na kandidato na isasagawa ng JBC sa Session Hall ng Korte Suprema o ng Court of Appeals.

Sa darating na May 14, Miyerkules, unang sasalang sa public interview sina:
– Nina Antonio Valenzuela
– Ramon Bato Jr.
– Darlene Berberabe
– Maria Rosario Bernardo
– Carlito Calpatura

Mayo 15, Huwebes
– Ramon Cruz
– Maria Elisa Diy
– Myra Garcia-Fernandez
– Fernanda Lampas Peralta

Mayo 16, Biyernes
– Ronaldo Roberto Martin
– Karl Miranda
– Ronald Moreno
– Maria Concepcion Noche

Mayo 21, Miyerkules
– Walter Ong
– Maria Rowena San Pedro
– Manuel Antonio Teehankee
– Raul Villanueva

Ang publiko ay maaaring magsumite ng sinumpaang reklamo, ulat, o pagtutol laban sa alinman sa mga nabanggit na kandidato sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat o personal na magpasa ng tatlong kopya sa opisina ng JBC sa Ermita, Maynila kung saan maaari din magpadala ng email sa jbc@judiciary.gov.ph bago mag-alas 4:30 p.m. ng May 9, 2025.

Facebook Comments