Suspendido ang nakatakdang validation at cash payout ng UPLIFT Program sa Mapandan, Pangasinan ngayong Agosto 5 matapos ipagpaliban ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) dahil sa epekto ng habagat.
Ayon sa MSWDO, pangunahing isinasaalang-alang ang kaligtasan ng mga benepisyaryo, kawani, at iba pang sangkot sa payout kaya ipinagpaliban ang aktibidad.
Wala pang inilalabas na bagong petsa ng payout. Pinayuhan naman ang mga benepisyaryo na hintayin ang susunod na opisyal na anunsyo.
Nanawagan din ang tanggapan sa publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na abiso habang nagpapatuloy ang masamang panahon sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








