LOLA, BINARIL SA BUNGANGA SA MALASIQUI

Dead on-arrival ang isang 63 anyos na babae matapos itong paputukan ng baril sa kanyang bunganga mismo sa Malasiqui, Pangasinan.

Sa salaysay ng kanyang pamangkin sa pulisya, habang nasa loob ang mga ito ng kanilang sar-sari store, may lumapit umanong lalaking nakasuot ng puting helmet at bibili raw ng pagkain.

Nang dinungawan na ito ng babae para sana bentahan ay dito na ito pinaputukan ng baril sa bunganga. Agad na nakatakas ang suspek. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan ukol sa posibleng motibo ng pagbaril at pagkakakilanlan ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments