LUBAK NA KALSADA SA ILANG BAYAN SA PANGASINAN,TINAPALAN NG ASPALTO

Tinapalan ng aspalto ang ilang lubak na bahagi ng mga kalsada sa Pangasinan matapos masira ang mga ito kasunod ng sunod-sunod na pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Sa Bayambang, nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa Department of Public Works and Highways o DPWH para sa pansamantalang pagtatapal sa mga lubak upang mabawasan ang panganib ng aksidente sa mga motorista.

Nakatakda naman sa susunod na linggo ang mas malawak na asphalting sa ilang bahagi ng kalsada bilang pansamantalang solusyon habang hinihintay ang tuluyang pagsasaayos at pagsesemento sa mga napinsalang bahagi.

Sa Mangaldan, isinagawa naman noong Biyernes, Setyembre 4, ang pagtatapal ng aspalto sa mga lubak sa bahagi ng Rizal Avenue matapos bahagyang gumanda ang lagay ng panahon.

Naisagawa ang pagkukumpuni sa national highway matapos makipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa DPWH.

Nauna nang nilagyan ng buhangin at bato ang ilang lubak sa lugar bilang pansamantalang remedyo habang hindi maisagawa ang pag-aaspalto dahil sa madalas na pag-ulan.

Patuloy namang pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagdaan sa mga bahaging may ginagawang road repair at sumunod sa mga inilalagay na babala at traffic measures habang nagpapatuloy ang pagkukumpuni. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments