Friday, October 23, 2026

39 na insidente ng grass fire dahil sa epekto ng El Niño, naitala ng NDRRMC sa CARAGA

Umabot na sa 39 na insidente ng grass fire ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa rehiyon ng CARAGA dahil sa epekto ng El Niño sa bansa.

37 na mga lugar na ito ay naitala sa Dinagat Islands at 3 sa Agusan Del Sur.

Habang sa nasabing rehiyon din ay naitala ang 4 na lungsod o munisipalidad na kasalukuyang walang regular na tubig.

Aabot naman sa higit 96 thousand na mga pamilya o katumbas ng higit 353 thousand na mga indibidwal ang naapektuhan ng matinding tagtuyot at ang nasabing bilang ay mula sa Region 2, CALABARZON, Region 5 at CARAGA.

Samantala , 91 na mga lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Nińo.

Facebook Comments