MAAGANG PANGANGALAGA SA NGIPIN, ISINULONG NG SDO 1 PANGASINAN SA MGA MAG-AARAL NG TOCOC EAST-WEST ELEMENTARY SCHOOL

Hindi lamang kaalaman kundi aktuwal na pangangalaga sa kalusugan ng ngipin ang natanggap ng mga mag-aaral ng Tococ East-West Elementary School (TEWES) sa isinagawang oral health activity ng Schools Division Office I (SDO 1) Pangasinan.
‎

‎Pinangunahan ni Dr. Ma. Hermie Culeen Cancino ang dental team na nagtungo sa paaralan upang palakasin ang kamalayan ng mga bata sa wastong oral hygiene at makatulong sa pag-iwas sa mga karaniwang problema sa ngipin at gilagid.
‎

‎Sa pamamagitan nito ay mahihikayat rin ang mga mag-aaral na gawing bahagi ng kanilang pang-araw-araw na gawain ang wastong oral hygiene.
‎

‎Ipinagkaloob rin ang Fluoride treatment sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3, habang isinailalim naman sa dental check-up ang mga nasa Grade 4 hanggang Grade 6.
‎

‎Malugod namang tinanggap ni Dr. Sherlita F. Baratang, Principal IV, ang dental team at pinasalamatan ang serbisyong inilapit sa mga mag-aaral.
‎

‎Ipinakita ng aktibidad ang kahalagahan ng pagsasama ng health education at preventive dental care sa paaralan, kung saan nabibigyan ang mga bata ng kaalaman at serbisyong makatutulong sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan.
‎

‎Sa ganitong mga programa, layunin ng SDO 1 Pangasinan at TEWES na mahubog sa mga mag-aaral ang wastong gawi sa pangangalaga ng kanilang ngipin at gilagid habang bata pa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments