Maayos na kondisyon ng mga pangunahing kanal at irigasyon sa bansa, pinatitiyak ni PBBM sa NIA

Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa National Irrigation Administration (NIA) na siguruhing nasa maayos na kondisyon ang lahat ng pangunahing kanal at irigasyon sa buong bansa.

Ang kautusan ay bahagi ng target ng pamahalaan na pataasin ang ani sa agrikultura, bawasan ang post-harvest losses, at tiyaking sapat at abot-kayang suplay ng pagkain sa buong bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang papel ng mga irigasyon sa pagpapalakas ng mga magsasaka at pagtiyak sa food security ng bansa.

Matutulungan aniya nito ng mga magsasaka na mapabuti ang kanilang ani at mapapaunlad ang mga kanayunan.

Sa ilalim ng direktiba ng Pangulo na panatilihing maayos ang irigasyon sa bansa, inilunsad ng NIA ang re-fleeting program upang gawing moderno ang kanilang logistics at field operations.

Kabilang sa mga ipinamahagi sa mga irigation facilities ang 229 na makinarya tulad ng backhoe, dump truck, service vehicle, at canal dredger.

Facebook Comments