
Nananwagan sina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Percy Cendaña para sa pagkakasa ng independent investigation ukol sa naging paghawak ng Senado sa sitwasyon ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Pangunahing pina-iimbesitigahan nina De Lima at Cendaña ang paglalagay kay Dela Rosa sa protective custody ng Senada, biglaan nitong pagtakas at ang naging kaguluhan sa gusali ng Senado noong May 13 kung saan ilang magkakasunod na putok ng baril ang narinig.
Nakakalungkot at nakakagigil para kina De Lima at Cendaña na kinanlong ng Senado si Dela Rosa sa kabila ng pagiging wanted nito sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity na nangyari sa ilalim ng ipinatupad na war on drugs ng Duterte administration.
Ayon kay De Lima, hindi puwedeng internal o hindi puwedeng ang Senado mismo ang mag-imbestiga.
Diin naman ni Rep. Cendaña, nakakahiya ang Senado dahil sira na ang kredebilidad nito matapos imaniobra ng mga kampon ni Duterte ang pagbibigay proteksyon sa isang pugante.










