Wednesday, July 29, 2026

DSWD UPLIFT PAYOUT, ISINAGAWA SA DAGUPAN CITY

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tig-P2,000 cash assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa isinagawang payout ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) program sa Dagupan City.

Batay sa datos mula sa Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 1,019 benepisyaryo na natukoy para sa pagtanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng programa.

Isinagawa ang payout sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Ang UPLIFT program ng DSWD ay naglalayong magbigay ng cash assistance sa mga kwalipikadong sambahayan bilang suporta sa epekto ng pagtaas ng gastusin at iba pang hamon sa kabuhayan.

Sa ilalim ng programa, ang mga benepisyaryong natukoy mula sa CBMS ay kabilang sa mga tatanggap ng P2,000 cash assistance.

Ayon sa pamahalaang lungsod, kasabay ng payout ay nagbigay rin ng talakayan ang SAFEnet team tungkol sa mental health awareness, anti-bullying, at suicide prevention para sa mga dumalo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments