Monday, May 4, 2026

Mahigit ₱61.2-M halaga ng shabu, nasabat sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite; 4 na suspek, arestado

Arestado ng pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang 4 na indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bacao 1, General Trias, Cavite, kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Asil,” 45-year-old , alyas “Alshamier” ,24 years old parehong mga mangingisda, sina alyas “Almukrim” 28 years old at alyas “Dharwina” 32 years old mula sa Sulu.

Narekober sa nasabing operasyon ang 9 na blue foil packs na may label na “Very Delicious” na hinihinalang shabu na may bigat na nasa 9 na kilo.

Kung saan tinatayang nasa higit ₱61.2 million ang nasabing mga nakumpiskang ilegal na droga.

Sa ngayon nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga nahuling suspek at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments