Timbog ang isang 48-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation noong Abril 17, 2026 sa Brgy. Malued, Dagupan City, Pangasinan.
Ito ay matapos masamsam sa suspek ang tinatayang 12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱81,600.
Ayon sa ulat, pinangunahan ng Station 4 ng Dagupan City Police Station katuwang ang iba pang police units at PDEA Regional Office 1 ang operasyon laban sa suspek na kinilalang residente ng Brgy. Pantal.
Naaresto ito matapos ang aktwal na bentahan sa isinagawang operasyon.
Maliban sa droga, nakumpiska rin ang isang cellphone, boodle money na ginamit sa operasyon at iba pang gamit na may kaugnayan sa ilegal na transaksyon.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy kung may mas malawak pang network na konektado sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










