MAHIGIT 1,000 MAGULANG, SINANAY BILANG TAGAPAGTANGGOL NG MENTAL HEALTH NG KABATAAN SA DAGUPAN CITY Pinagtibay ang mahalagang papel ng pamilya sa panganga

Pinagtibay ang mahalagang papel ng pamilya sa pangangalaga ng kalusugang pangkaisipan matapos magsagawa ng limang araw na pagsasanay para sa mga magulang sa lungsod ng Dagupan.

Pinangunahan ng Ilocos Center for Health Development, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City, Region 1 Medical Center, at Dagupan Treatment and Rehabilitation Center ang nasabing programa.

 

Tinalakay ang mga karaniwang sanhi ng stress sa kabataan, mga palatandaan ng problema sa kalusugang pangkaisipan, at mga paraan ng maagap na interbensyon.

Dinaluhan ng mahigit 1,000 magulang ang nasabing programa, na itinuturing na isang malaking hakbang sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga pamilya sa pagprotekta sa mental na kalagayan ng kanilang mga anak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments