17 opisyal ng PCO, sinibak ni PBBM

Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ng 17 opisyal ng Presidential Communications Office (PCO).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inaasahang magkakaroon ng mga bagong kapalit ang tinanggal sa pwesto kung kinakailangan.

Hindi naman pinangalanan kung sino sino ang mga opisyal na ito.

Kinumpirma rin ni Castro, nagbitiw na sa pwesto si PCO Senior Undersecretary Ana Puod, ilang araw matapos matalaga bilang Head of Strategic Communications and Inter-agency Communications ng ahensya.

Nabatid na may mga kumakalat na ulat na nagbitiw umano si Puod dahil sa hindi na nito makayanan ang kalagayan sa loob ng ahensya.

Pero sabi ni Castro, ang pagbibitiw ni Puod ay boluntaryo at tungkol sa personal na rason na siya lamang ang nakakaalam.

Facebook Comments