Magsasagawa ng libreng medical mission sa Dagupan upang maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng lungsod.
Kabilang sa mga serbisyong libre ang pagpaparehistro, pagkuha ng vital signs, blood chemistry tests, urinalysis, electrocardiography o ECG, fetal Doppler para sa mga buntis na nasa lima hanggang siyam na buwang pagdadalantao, konsultasyon sa doktor, pag-iimprenta ng consultation summary at reseta, gayundin ang pamamahagi ng libreng gamot.
Nagsimula ang medical mission sa iba’t ibang barangay ng Dagupan
kahapon, sa Abong Na Alumni, sa Calmay Elementary School naman ngayong araw, July 18, July 19 sa Bonuan Gueset North Central Elementary School, at July 20 sa Judge Jose De Venecia Integrated School sa Bolosan.
Hinihikayat ng mga organizer ang mga residente, lalo na ang mga senior citizen, buntis, at mga nangangailangan ng agarang konsultasyong medikal at laboratory services, na samantalahin ang libreng serbisyong ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










