Friday, September 18, 2026

MAHIGIT 40 DOST TECHNOLOGIES, GINAGAMIT SA MASS PRODUCTION NG NUTRITION PRODUCTS SA STA. BARBARA

Mahigit 40 teknolohiya mula sa Department of Science and Technology o DOST ang ginagamit na ngayon ng isang food manufacturer sa Sta. Barbara, Pangasinan upang mapalawak ang produksyon ng nutrition-dense food products.

Sa Nutridense Food Manufacturing Corporation sa Barangay Malanay, isinasalin sa commercial at mass production ang mga teknolohiyang mula sa research and development upang makagawa ng mas maraming produktong may mataas na nutritional value.

Ito rin ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa pasilidad, kung saan sinabi niyang mahalaga ang partnership ng pamahalaan at pribadong sektor upang ang mga produktong nade-develop sa laboratoryo ay ma-scale up para sa mas malaking produksyon.

Sa kasalukuyan, mahigit 30 nutrition products na para sa iba’t ibang edad ang ginagawa ng kumpanya, kabilang ang mga produktong nakatuon sa pagtugon sa malnutrition at nutritional deficiencies.

Dalawang tranches na rin ng technology assistance ang natanggap ng kumpanya sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program o SETUP ng DOST.

Ang ilan sa mga produktong ginagawa sa Sta. Barbara ay napupunta sa mga programang pangnutrisyon na kinabibilangan ng DepEd, DSWD at National Nutrition Council, habang mayroon ding inilalabas sa international market.

Kasabay ng pag-scale up ng produksyon, lumaki rin ang workforce ng kumpanya mula sa dating pitong empleyado tungo sa humigit-kumulang 300 manggagawa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments