Mahigit P160-K na halaga ng umano’y shabu, nasabat sa isang buy-bust operation sa Taguig

36

Timbog ang isang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa lungsod ng Taguig matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya pasado alas-8:20 kagabi.

Nakilala ang suspek na si Jomel Mangilit Ibbay, 24-anyos, at residente ng BLK. 41 Lot. 13 Purok 4, Brgy. Central Bicutan ng naturang lungsod.

Nasamsam ng nga otoridad mula sa suspek ang 24.5 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P166,600 at 3.7 grams ng umano’y marijuana na nagkakahalaga ng P444.00.

Maliban dito, narekober din ng mga otoridad ang isang maliit na digital na timbangan at perang P2,500 na ginamit bilang buy-bust money.

Sinalakay ng mga otoridad ang bahay ng suspek matapos makumpirma na ito ang nagdadala ng iligal na droga sa naturang lungsod.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments