Mahigit P3-M halaga ng mga imported na chainsaw na gamit sa illegal logging activities, nasamsam ng DENR sa Valenzuela City

Matagumpay na nasamsam ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at ng Valenzuela City Police ang mga chainsaw na nagkakahalaga ng ₱3.6 milyon na ilegal na inangkat at walang kaukulang permit.

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, ang mga chainsaw na ito ay bahagi ng isang buy-bust operation na isinagawa sa Eseki Industrial Enterprises Corporation sa Valenzuela City na walang permit na nagbebenta at nagdi-distribute ng mga chainsaw.

Binigyang-diin pa ni Yulo-Loyzaga ang kahalagahan ng nasabing operasyon bilang bahagi ng mas malawak na estratehiya ng gobyerno upang labanan ang illegal logging operations at iba pang mga krimen laban sa kalikasan.

Dahil dito, hinikayat ni Yulo-Loyzaga ang publiko na suportahan ang mga pagsisikap ng gobyerno upang protektahan ang kagubatan at pangalagaan ang likas na yaman ng bansa.

Facebook Comments