
Kinumpirma ng Makati Medical Center na mababa na ang kanilang supply ng gamot sa pagamutan.
Sa Facebook post ng MakatiMed, inihayag nito na nangangailangan sila ng blood donors sa lalong madaling panahon para makapagsalba ng mga buhay.
Ayon sa pamunuan ng ospital, sa mga nais mag-donate ng dugo, bukas ang kanilang Blood Bank mula Lunes hanggang Linggo, 8:00 AM hanggang 10:00 PM.
Magugunitang hindi ito ang unang pagkakataon na umaapela ang MakatiMed ng blood donors dahil sa mababang supply sa kanilang blood bank.
Facebook Comments