Malacañang, dumistansya sa petisyong inihain sa Korte Suprema laban sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte

Tumanggi ang Palasyo na pangunahan ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa petisyong Writ of Habeas Corpus na inihain ng kampo ni Duterte sa Korte Suprema.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung pagbabatayan ang ilang nagdaang katulad na kaso, maaaring maging “moot and academic” ang petisyon kung ang may kaso ay nasa ibang bansa na.

Pero tanging ang Korte Suprema lamang aniya ang makasasagot sa bagay na ito.


Tugon ito ng Malacañang sa petisyong inihain ng anak ng dating pangulo na si Veronica, na humihiling sa Korte Suprema na pauwiin ang kanyang ama, na ibinabiyahe ngayon papuntang The Hague, Netherlands.

Sina dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo at kaniyang anak na si Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. ang kumatawan sa petitioner sa paghahain ng petisyon.

Facebook Comments