5 Chinese nationals na sangkot sa kidnapping, arestado sa Pasay City

Arestado ng mga awtoridad ang limang Chinese nationals na sangkot sa kidnapping sa Pasay City.

Bukod sa pagkaka-aresto sa grupo ni alyas “Jian,” nabawi rin sa mga Chinese ang 152.4 grams ng suspected “shabu” na may Standard Drug Price (SDP) na P761,000 at mga baril at bala.

Naaresto ang mga Tsino nang mag-report sa pulisya ang isang alyas Trixia matapos dukutin ng mga Chinese ang kanyang kaibigan na si alyas Fei at hinihingian ito ng kalahating milyong pisong ransom.


Agad na nagsagawa ng entrapment at rescue operations ang Pasay City Police sa isang malaking mall sa Pasay kung saan nailigtas ang kidnap victim.

Nagtangka pang tumakas ang mga suspek sakay ng kotse at nabundol ng mga ito ang isang motorcycle rider kung saan nasawi ang biktima.

Ang limang Chinese ay kakasuhan ng kidnapping for ransom, illegal possession of firearms and ammunition in violation Omnibus Election Code, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at reckless imprudence resulting in homicide.

Facebook Comments