Pagpunta ni Cong. Pulong sa The Netherlands, may pahintulot ng Kamara

May pahintulot ng Kamara ang biyahe ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte para puntahan ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Netherlands matapos itong arestuhin sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, pinagbigyan ang hiling na travel authority ni Congressman Pulong.

Ang request for travel clearance ay nakasaad sa liham kahapon ni Rep. Duterte kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


Sinasabi sa liham na babiyahe si Congressman Duterte mula ngayong araw, March 12 hanggang April 15 , 2025 patungo sa The Netherlands at Japan.

Binigyang diin sa liham na lahat ng gastos sa nabanggit na byahe ay kukunin sa personal na pondo ni Congressman Pulong.

Facebook Comments