Malacañang, no comment pa sa pahayag ni Senator Imee hinggil sa pag-aresto kay FPRRD

Wala pang reaksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pahayag ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na gulo lang ang idudulot ng pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na hindi pa nakakarating sa pangulo ang naging pahayag ni Senador Imee, kaya’t hindi pa muna ito magkokomento.

Matatandaang sinabi ng senador na naaawa siya kay Duterte, lalo na’t may edad na ang dating presidente.


Wala aniyang pakinabang ang mga mahihirap sa mga nagaganap na bangayan sa pulitika, at tila nagiging gantihan na lamang ang nanyayari.

Facebook Comments