
Inanunsyo ng Office of the Vice President (OVP) na hindi na matutuloy ang pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa mga aktibidad sa Araw ng Dabaw.
Partikular ang mga aktibidad sa March 16 at 17 matapos na lumipad ang pangalawang pangulo sa The Netherlands.
Ito ay para sundan doon ang kanyang ama na si dating Pangulong Duterte na inaresto ng International Criminal Court.
Pasado alas-7:00 kaninang umaga nang lumipad si VP Sara patungong Amsterdam.
Hindi pa malinaw kung kailan ito babalik ng Pilipinas.
Facebook Comments