
Hinikayat ni Senator-elect Tito Sotto ang mga kapwa mambabatas na maging impartial sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sotto, kahit isang political process ang impeachment trial, mahalagang maging impartial ang mga Senador na aaktong judge hanggang sa maiprisinta at maisumite ang mga ebidensya.
Nasa mga kamay aniya ng impeachment judge ang pagpapasya kung boboto sila ng guilty o boboto para sa acquital o pagpapawalang sala kay VP Sara.
Ang desisyon ng bawat hukom na Senador ay depende kung ang boto ba nila ay batay sa mga ebidensya o political alliance.
Samantala, sangayon si Sotto sa pahayag ni Senate President Chiz Escudero na huwag nang baguhin ang impeachment rules at ang gamitin ay yung kasalukuyan kung saan isa ang senador sa mga bumalangkas nito na ginamit noon sa impeachment ni nating Chief Justice Renato Corona.