Manager sinabuyan ng customer na ayaw sumunod sa ‘straw less policy’; netizens bumilib

Umani ng mga papuri mula sa netizens ang isang fastfood chain manager matapos hindi matinag sa katigasan ng ulo ng isang customer.
Sa Facebook post ni Imee Joy Urgelles, sinalaysay niya ang pagbuhos ng softdrink sa kanya ng isang matapobreng customer dahil hindi niya ito pinagbigyan gumamit ng straw kahit pinapatupad ang straw less policy sa nasabing kainan.
Thank you dahil sa inyo napatunayan ko na effective manager ako hindi ko man nabigay ang straw na kailangan mo at least naexplain ko ng maayos kung bakit wala kaming straw,” sabi ni Urgelles.

Sa kabila ng ginawa kay Urgelles, nanatili itong kalmado.
“Sa customer na nagbuhos sakin ng softdrinks dahil sa “straw less” kami ingat po kayo Mam. God bless you po.
Pinasalamatan niya rin ang customers na nauunawaan ang kanilang polisiya.
Bumilib naman ang social media users sa pagiging kalmado nito.
“True bes, kudos sa ating lahat na nagwowork sa mga gantong industry. Masyado nang self entitled mga tao ngayon. Mapa fastfood man o malls. Nakakahiya maging kauri nila minsan.”
“Nakakahiya naman yung nagbuhos sayo parang di edukado or edukado nga ba? Strawless? Baka di nauunawaan hahaha.”
“Congrats to your patience. Kung ako yan, nasampal ko na yan ng monitor. Hahaha”
Umabot na sa 124,000 likes at 38,000 shares ang kuwento ni Urgelles.

 

Facebook Comments