Inihayag ng Pangasinan PDRRMO na walang naitalang kaso ng heat-related incident sa lalawigan sa kabila ng pagkakatala ng mataas na heat indices nitong semana Santa.
Ayon kay PDRRMO Operations Head Vincent Chiu, sa kabila ng dagsa ng tao sa mga beach noong semana Santa maswerteng walang naapektuhan ng sakit na may kinalaman sa mainit na panahon.
Sa nakalipas na araw nasa danger Heat index category ang lalawigan kung saan pumalo sa 47 °C.
Sa ilalim ng danger category maaaring makaranas ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments