
Ipinagpaliban ng Korte Suprema sa ibang petsa ang oral arguments kaugnay sa ilang petisyon na inihain tungkol sa pondo ng gobyerno.
Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, mula April 29, 2025 ay mas pinaaga sa April 2, 3 at kung kinakailangan din ay sa April 4 ang oral arguments sa petisyon na kumukuwestiyon sa pagbabalik ng sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corp., o PhilHealth at gamitin sa mga unprogrammed appropriations.
Itinakda naman sa May 19 ang oral arguments kaugnay sa petisyong kumukuwestiyon sa pagiging naaayon sa batas ng 2025 national budget.
Ito ay mula sa unang petsa na ngayong unang araw ng Abril.
Samantala, sa halip na sa April 22, sa July 8 at July 9 na isasagawa ang oral arguments sa Maharlika Funds na kinukuwestiyon at nais ipadeklara ng petitioners bilang unconstitutional o labag sa Saligang Batas.