Wednesday, May 13, 2026

Mayorya ng mga kongresista mula sa Visayas at Mindanao, bumoto pabor sa impeachment ni VP Duterte

Maraming mga kongresista mula sa Visayas at Mindanao ang kabilang sa 257 mga kinatawan sa Kamara ang bomoto pabor sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, patunay ito na ang pagsusulong para mapanagot si VP Duterte ay kalat sa iba’t ibang regional at political lines kabilang ang matatagal nang balwarte ng mga Duterte.

Base sa opisyal na record, 43 mula sa 50 mambabatas sa Visayas habang 41 sa 61 mga kongresista sa Mindanao ang pumabor sa pag-imepeach kay VP Sara.

Diin ni Adiong, binasag ng pattern ng botohan ang mga nagsasabing ipinipilit lamang ang impeachment ng mga nasa “Imperial Manila”.

125 naman mula sa 142 mga congressmen sa Luzon ang nagbigay ng “yes” votes sa impeachment.

Ayon kay Adiong, makikita sa resulta ng botohan na hindi nakabatay sa lugar o balwarte at politika ang pagpapa-impeach kay VP Sara kundi sa mga ebidensya, pananagutan sa mamamayang Pilipino at pagtupad nila sa tungkulin na iniaatas ng Konstitusyon.

Facebook Comments