Wednesday, April 22, 2026

Meralco, inatasan ng ERC na mag-refund ng ₱14.17-B sa customers

Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) na i-refund sa customers ang karagdagang ₱14.17 billion.

Ito ay bahagi pa rin ng regulatory “true-up” process para sa distribution charges na ipinatupad ng Meralco mula July 2022 hanggang December 2024.

Ang desisyon ng ERC ay kasunod ng sobrang nasingil ng Meralco na lumagpas sa inaprubahang distribution rates ng Komisyon.

Ayon sa ERC, bagama’t nagkaroon na ng paunang refund ang Meralco ng halos ₱20 billion na sinimulan noong April 2025, as of February 2026, ay may kulang pang refund ang Meralco na ₱14.17 billion.

Inatasan din ng ERC ang Meralco na regular na magsumite sa kanila ng report hanggang matapos ang pagbibigay ng refund sa customers.

Facebook Comments