METAL DETECTORS, IPINAMAHAGI PARA SA SEGURIDAD NG MGA PAARALAN SA BAYAMBANG

Mas paiigtingin ang pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad sa mga paaralan sa Bayambang matapos magkaloob ang lokal na pamahalaan ng mga handheld metal detector sa mga benepisyaryong paaralan.

‎Para umano ito sa pagpapanatili ng kaligtasan at maayos na kapaligiran sa pagkatuto sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga security measures sa loob ng paaralan.

‎Pinangunahan ng alkalde ng bayam ang pamamahagi ng mga kagamitan, katuwang ang Bayambang Municipal Police Station at Task Force Disiplina (TFD).

‎Tinanggap ng mga school head at kinatawan ng mga paaralan ang mga handheld metal detector na inaasahang magagamit sa pagsasagawa ng inspeksiyon at pagpapatibay ng kaayusan sa loob ng mga campus.


‎Bahagi umano ito ng patuloy na programa upang mapalakas ang seguridad sa mga institusyong pang-edukasyon at makapagbigay ng mas ligtas na kapaligiran para sa pag-aaral.

‎Sa pamamagitan ng naturang hakbang, inaasahang higit na mapapalakas ang koordinasyon ng mga paaralan at mga kinauukulang ahensiya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga paaralan sa Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments