Mga benepisyong nakapaloob sa Expanded Solo Parents Welfare Act, hindi sapat at kailangan pang palawigin

Para kay House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera, bagama’t may Expanded Solo Parents Welfare Act ay marami pa ring dapat gawin at ibigay sa mga solo parent.

Pangunahing binanggit ni Herrera na dapat mapalawig ay ang tulong pinansyal sa mga solo parent, pagkakaroon nila ng access sa abot-kayang pabahay, at mas pinahusay na healthcare benefits kasama ang mental health support.

Isinusulong din ni Herrera na madagdagan ang subsidiya ng gobyerno sa pag-aaral ng mga anak ng solo parents kasama ang pagtatayo ng mas maraming daycare center sa buong bansa.

Una rito ay kinalampag ni Herrera ang mga lokal na pamahalaan at kaukulang ahensya para bilisan ang pamamahagi ng Solo Parent ID upang mapakinabangan na nila ang mga benepisyo at diskwento na iniuutos ng batas.

Facebook Comments