Mga hindi nagsusuot ng face mask, pinakamaraming nahuli sa Navotas

41

Pinakamarami pa rin ang nahuling hindi nagsusuot o hindi tama ang paggamit ng face mask sa Navotas sa buong magdamag.

Sa 381 na lumabag sa ipinatutupad na mga ordinansa at safety measures para maging protektado laban sa COVID-19, aabot sa 173 ang mga lumabag sa hindi pagsusuot ng facemask.


Nasa 126 naman na mga matatanda ang nahuling lumabag sa curfew habang 55 naman sa mga kabataan.

Anim naman ang nahuling umiinom, tatlo naman ang nagkakalat, isa ang naninigarilyo at 17 naman sa iba pang mga paglabag.

Facebook Comments