Halos 40,000 katao, inilikas sa Camarines Sur dahil sa Bagyong Ulysses

Umabot na sa halos 40,000 katao ang lumikas sa kanilang mga bahay dahil sa banta ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Camarines Sur Provincial Information Officer Estel Estropia, aabot sa 10,000 pamilya ang nasa evacuation centers habang ang iba ay nasa barangay shelters.

May ilan ding residente ang nanunuluyan muna sa kanilang mga kapitbahay o kaanak na may matatag na bahay.


Facebook Comments