Mga kandidataong nagsisilbing boses ng China, hindi dapat iboto

Nanawagan si House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union sa mga botanteng Pilipino na huwag iboto ang mga senatorial candidates na mistulang mouthpiece o boses ng China at hindi inuuna ang kapakanan ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Ortega na hindi dapat maghalal ng mga lider na makikipagkasundo sa China kapalit ng seguridad ng bansa, lalo na’t patuloy ang mga agresibong hakbang ng Beijing sa West Philippine Sea (WPS).

Hiling naman ni Bataan Rep. Geraldine Roman sa mga botante, maging mapanuri sa mga kandidato lalo na ang mga nais maluklok sa Senado.

Giit ni Roman, dapat ay nasa mga Pilipino at nasa ating bayan ang loyalty at ang puso o pagmamahal ng mga mananalo sa eleksyon sa halip na inuuna ang pansariling interes o interes ng dayuhan.

Facebook Comments