Nagsagawa ang City Government of Alaminos, katuwang ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), ng orientation-seminar para sa mga kawani ng lungsod at 39 barangay.
Tinalakay sa orientation ang probisyon ng Republic Act No. 11032, o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act, na naglalayong gawing mas episyente ang proseso ng mga transaksiyon sa mga tanggapan ng gobyerno.
Kabilang sa mga ito ang Citizen’s Charter at Certificate of Compliance, pagsasaayos ng mga proseso ng pamahalaan, client satisfaction measurement at iba pang compliance requirements para sa lungsod at mga barangay.
Dumalo sa aktibidad ang CLGOO, CPDC, mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng lungsod, at mga ARTA Focal Persons mula sa City Government of Alaminos at 39 barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











