ISANG INDIBIDWAL, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG MARIJUANA

Cauayan City – Napasakamay ng batas ang isang lalaking tulak ng ilegal na droga matapos mahuli sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek at kinilalang si alyas “bennie”, 20-anyos, at kabilang sa listahan ng mga Street Level Individuals.

Nasamsam mula sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, 500 pesos buy-bust money, cellphone, at motorsiklo.


Matapos ang isinagawang imbentaryo, dinala ang suspek sa himpilan ng Cauayan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments