Mga motoristang dadaan sa bahagi ng Skyway sa pagsisimula ng EDSA Rehabilitation Project, hindi sisingilin

Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon na libre ang pagdaan sa bahagi ng Skyway ng mga motoristang ire-reroute sa sandaling simulan na ang rehabilitasyon sa EDSA.

Ito ay para maibsan ang epekto sa trapiko sa kasagsagan ng proyekto.

Tiniyak naman ni Dizon na bibigyan ng kompensasyon ng pamahalaan ang San Miguel Corporation para hindi naman ito malugi sa kanilang operasyon sa Skyway.

Nilinaw naman ng kalihim na hindi subsidiya ang gagawin ng pamahalaan sa mawawalang kita ng SMS sa Skyway sa sandaling gamitin ang bahagi nito sa rerouting ng mga motoristang maapektuhan ng pag-rebuild sa EDSA.

Facebook Comments