Mga NPA nurse, hinikayat ni Pangulong Duterte na tumulong sa pagsugpo sa COVID-19

66

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nurse na miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) na tumulong sa gobyerno sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang Talk to the People kagabi, sinabi ng Pangulo na kung hindi makipagtutulungan ang mga CPP sa problema ng bansa sa pandemya ay mas mainam na hayaan din nila ang gobyerno na gawin ang kanilang trabaho.

Kasunod nito, nanawagan din ang pangulo sa mga NPA nurse na bumaba at tumulong sa gobyerno kung saan babayaran din aniya ang mga ito.


Inimbitahan din ng pangulo ang mga rebeldeng komunista na magkape sa Malacañang pagkatapos nilang magserbisyo.

Facebook Comments