
May babala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal na nangunguna sa pagkukumpuni ng San Juanico Bridge sa Eastern Visayas.
Ayon kay Pangulong Marcos, batid niya ang kalbaryo at sakripisyo ng mga Pilipinong regular na dumadaansa tulay na may malaking epekto kita ng mga negosyante, at pahirap sa transport groups.
Kaya naman iniutos ng Pangulo na bago matapos ang taon, kailangang makadaan na ang mga sasakyan na may 12 tons na bigat sa San Juanico Bridge.
Kung hindi aniya maaabot ang target na ito, tatanggapin ng Pangulo ang courtesy resignation ng mga opisyal na in-charge dito.
Nabatid na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lead agency sa San Juanico Bridge rehabilitation.
Sa ngayon, nasa ilalim ng state of calamity ang Eastern Visayas dahil sa epekto ng rehabilitasyon at tanging light vehicles lamang ang pinapayagan dumaan sa tulay.