Inaalis sa mga kanal ang mga damo, halaman at iba pang tumutubong sagabal na maaaring humarang sa daloy ng tubig. Nagsasagawa rin ng excavation sa piling bahagi ng drainage system ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Kabilang sa mga binahang kalsada ang ilang bahagi ng Maramba Boulevard sa Poblacion.
Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC), isang coastal area ang Lingayen at nagsisilbing catch basin ng tubig mula sa mga karatig na lugar. Dahil dito, nagiging hamon ang mabilis na pagdaloy at paglabas ng tubig lalo na kapag nagpapatuloy ang pag-ulan.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang flood rescue operations ng mga responder mula sa BFP, PDRRMO at PNP sa mga binahang lugar sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





