Mga Pinoy na tutungo ng Japan, pinag-iingat ng Philippine Embassy sa harap ng pagtaas ng kaso ng influenza doon

Pinag-iingat ng Philippine Embassy ang mga Pilipinong bibiyahe ng Japan sa harap ng pagtaas ng kaso ng influenza o trangkaso sa nasabing bansa.

Hinihikayat din ng embahada ang publiko na sundin ang tamang health protocols kung sila ay tutungo ng Japan tulad ng pagsuot ng face mask lalo na sa matataong lugar o pampublikong transportasyon.

Ayon sa Philippine Embassy, mas mainam din na kumuha ng travel insurance kapag pupunta sa nasabing bansa para sa mga posibleng pangangailangang medikal.


Pinapayuhan din ang mga Pinoy na tumawag sa emergency hotline numbers ng Embahada ng Pilipinas para sa mga emergency na sitwasyon.

Facebook Comments